May 10, 2024

BUS PINASABOG; 1 PATAY, 10 SUGATAN

PATAY ang isang katao habang 11 iba pa ang sugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa loob ng isang bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat ngayong umaga.

Nabatid na patungo na sana ng Koronadal City ang bus ng Yellow Bus Line (YBL) company galing Kidapawan, North Cotabato nang bigla itong sumabog sa Barangay Isabela, Tacurong City.

Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division (ID) spokesperson Lt. Col. Dennis Almorato, isang hindi pa nakikilalang lalaki ang agad na binawian ng buhay sa insidente.

Agad na isinugod ang 11 sugatan na pasahero sa St. Louis Hospital, kung saan patuloy silang ginagamot habang isinusulat ang balitang ito.

Isa umano sa tinitingnang anggulo ng pagpapasabog ay extortion, ayon sa pulisya.

Madalas umanong nabibiktima ang nasabing kumpanya ng bus ng extortion ng mga bandidong grupo.