May 1, 2024

PACQUIAO MAY PATUTUNAYAN SA KANYANG LABAN VS KOREAN DK YOO

ITINUTURING ng retiradong Filipino boxing icon 8-world division champion na si Manny Pacquiao na ang kanyang exhibition fight kontra South Korean ‘YouTuber’ fighter ay senyales na ng kanyang pagbabalik sa lona.

“My comeback in the ring,” ani Pacquiao upang ipahiwatig sa madla na siya ay “still there in boxing.”

Ang 43-anyos na alamat ay retirado na noong nakaraang taon upang makipagsapalaran sa pampanguluhan sa bansa noong nakaraang halalan ay nahahalintulad din sa dati niyang karibal na si Floyd Mayweather, Jr. sa pagpokus ng mga exhibition matches matapos ang kanilang pro- boxing career.

Kakalabanin  sa isang exhibition bout ni Pambansang Kamao si DK Yoo sa Seoul, Korea sa Disyembre 11 para sa isang kawanggawang tunggalian para  sa mga taga- Ukraine at kanyang kababayang mahihirap sa Pilipinas.

Sa kanyang public appearance upang i-promote ang bakbakan, nais pang patunayan ni Pacquiao na hindi pa siya lubos na retirado.