May 15, 2024

‘MIDDLEMAN’ SA PERCY SLAY PATAY NA! (NBI nagsagawa na ng autopsy)

Kasalukuyan nang ginagawa ang autopsy kay Crisanto Palara Villamor Jr, ang middleman sa Percy Lapid killing na namatay sa loob ng New Bilibid Prison. 

Sinabi ni Justice Sec. Crispin Remulla, sinisilip na ng mga eksperto ng National Bureau of Investigation kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Villamor. 

Si Villamor ang sinasabing middleman ng gunman na si Joel Estorial na pinatay sa brodkaster na si Percy Lapid. 

Ayon kay Justice Sec. Boying Remulla  namatay ang nasabing middleman noong alas-3:00 ng hapon ng October 18.

Sa inisyal na report na natanggap ni Remulla, nahirapan umanong huminga si Villamor noong hapon ng Oktubre kung saan agad siyang dinala ng mga prison guard sa New Bilibid Prison Hospital. 

Subalit idineklarang dead on arrival ang nasabing middleman ng mga doktor na sumuri dito.