April 27, 2024

Urban gardening at aquaponics project inilunsad sa Navotas

DUMALO si Mayor John Rey Tiangco sa inilunsad na Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), TESDA, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa mga bumbero ng Navotas City. Bilang paunang mga binhi ng proyektong ito, nagtanim sila ng lettuce at sili at nagsimulang mag-alaga ng tilapia. (JUVY LUCERO)