May 20, 2024

DALAGITA, MINOLESTIYA NG KINAKASAMA NG TIYAHIN (Nakatulog habang gumagawa ng assignment)

SHOOT sa loob ng rehas na bakal ang isang kelot matapos i-reklamo ng pangmomolestiya sa isang dalagita sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciousness in Relation to RA 7610 ang suspek na kinilala bilang si Rheycell Bitoin, 36, scrapper ng Bldg. 11, room 13, Socialized Housing, Tanza II.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Navotas police Women’s and Children Protection Desk (WCPD), nasa bahay ng kanyang ante na live-in partner ng suspek ang biktima na itinago sa pangalang “Katrina” para gawin ang kanyang mga assignment dahil walang computer at internet connection sa kanilang bahay

Habang ginagawa ang kanyang assignment, nakatulog umano ang biktima hanggang sa magising bandang alas-11:40 ng gabi nang maramdamang may humawak sa kanyang puwitan at sinisipsip ang kanyang dibdib na ginagawa sa kanya ng suspek.

Nang mapansin ng suspek na nagising ang biktima, tumayo ito saka umakyat sa taas habang ikinuwneto naman ng dalagita sa kanyang pinsan ang nangyari sa kanya at sinabi naman ng kanyang pinsan sa ina ng biktima ang pangyayari.

Kaagad nagtungo ang ina sa bahay ng kanyang kapatid saka humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Navotas police na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.