May 5, 2024

ROBIN PADILLA BOLUNTARYONG NAGPA-DRUG TEST

IPINAKITA ni Senator Robinhood “Robin” Padilla ang kanyang urine sample matapos magpa-drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) headquarters ngayong araw.

Noong Lunes, sinabi ni Padilla na suportado niya ang kampanya kontra ilegal na droga ng pamahalaan, subalit iginiit nito na kung ire-required sa alinmang sektor ang magpa-drug test, dapat ang mga empleyado at opisyal ng gobyerno ang mauna.

Matatandaan na inalmahan ni Padilla ang mungkahi ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Ace Barbers bilang Chairman ng House Committee on dangerous drugs na magkaroon ng mandatory drug test ang mga artista.