INIHAHANDOG ng Maharlika Pilipinas Chess League ang buena manong higanteng torneo para sa mga chess enthusiasts ng Kabikulan.
Inorganisa ng MPCL ang ‘Manny Pacquiao-Buene Viel Construction Chess Cup 2022 na susulong sa Nobyembre 5-6 sa Naga City, Camarines Sur.
Ang dalawang araw na kampeonato na presentasyon ni Buena Viel Construction top official Engr. Jojo Buenaventura ay itinuturing na unang dambuhalang torneo sa larangan ng ahedres na gaganapin sa Bicolandia.
“We are inviting all chess afficionados to join us in this biggest chess event in the Bicol Region,” wika ni Buenaventura – team owner ng Camarines Soaring Eagles na miyembro ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).
“This is just the beginning. We hope to organize more tournaments through the MPCL and Beuna Viel Construction”, dagdag pa niya.
Si MPCL official IM Hamed Nouri ay labis na ikinagagalak ang todo suporta ng Buen Viel sa MPCL programs nito.
“Buena Viel Construction has been providing support not only in chess but also in other sports in the region”. ani pa Nouri.
Nakalaan sa torneong Pacman-Buena Viel ang taginting na premyong salapi sa top 3 plus tropeo at medalya habang cash prize naman mula pang-apat hanggang 10 at may espesyal na premyo ang top Bicol team. Para sa dagdag- detalye kumontak kay Nouri sa #09756019982.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
BUCOR AT PAO MAGTUTULUNGAN PARA SA INMATE WELFARE PROGRAM
PILIPINAS KATAWA-TAWA NA NGA BA SA MUNDO?