
MAYNILA – Good news para sa mga pribadong manggagawa! Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may dagdag sa sahod ang mga papasok sa trabaho sa darating na Agosto 21 (Ninoy Aquino Day) at Agosto 25 (National Heroes Day).
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Agosto 21 bilang special non-working holiday at ang Agosto 25 naman ay regular holiday sa bisa ng Presidential Proclamation No. 727.Base sa Labor Advisory No. 11, Series of 2025:
- Special non-working day (Aug. 21) – May dagdag na 30% sa arawang sahod sa unang walong oras, at dagdag na 30% kada oras kung mag-o-overtime.
- Kapag pumatak sa rest day, dagdag pa ang 50% sa holiday pay, at may dagdag na 30% kung mag-o-overtime.
- No work, no pay ang patakaran maliban na lang kung may kasunduan o policy ang kumpanya na magbabayad pa rin.
- Regular holiday (Aug. 25) – May 200% sahod sa unang walong oras, dagdag na 30% sa overtime, at kung tumapat sa rest day ay may dagdag pang 30% sa basic wage.
- Kahit hindi pumasok sa regular holiday, bayad pa rin ng 100% kung may pasok o paid leave ka sa araw bago ang holiday.
Kaya sa mga empleyado sa private sector—kung kaya ng katawan, baka magandang pumasok sa mga petsang ‘yan para may pangdagdag sa budget! (ARSENIO TAN)
