April 27, 2024

HEAT COACH ERIK SPOELSTRA, BANAS KAY BUTLER, ITI-TRADE KAY BEAL NEXT SEASON?

Lubhang nainis si Miami Heat coach Erik Spoelstra sa inasal ni Jimmy Butler. Nangyari ito nang matalo sila sa Golden State Warriors kamakailan.


Nagkaroon ng comprontation si Butler at ang coach. Pati na rin si veteran Udonis Haslem at di nakaiwas sa altercation.


Dala ng frustration sa laro ng team, sinabihan ni Haslem si Butler. Na hindi ito naglalaro ng ‘Miami Heat basketball culture’. Hindi ito nagustuhan ni Butler kaya pumalag siya. Sinabihan nito si Haslem ng ” We didn’t know you are here boy!”


Pati si coach Erik ay nabuwisit na rin kay Butler. Katunayan, ibinagsak nito ang clipboard.
Kaya naman, kumalat ang sitsit na aalis si Butler sa Heat. may nagsasabing iti-trade ito kapalit ni Bradley Beal ng Washington Wizards.


Gayunman, hindi dapat magpaapekto ang team sa nangyari. No.1 seed sila sa East. Malamang na one time, big time lang ang nangyari. Matatapos ito sa kanilang usapan sa locker room.