Dahil sa nabokya sila ng Boston Celtics sa first round ng NBA playoffs, ikinadismaya ito ng pamunuan ng Philadelphia 76ers.
Ang resulta, sinibak bilang head coach ng team si Brett Brown. Hindi man lang kasi nakabawi ang 76ers sa series. Ang masaklap, 0-4 ang record ng team sa playoffs.
Si Brown ay may 221-344 record sa kanyang coaching sa Sixers sa loob ng 7 seasons. Naihatid din niya ang team sa playoffs ng 3 seasons.
“I have a tremendous level of respect for Brett both personally and professionally and appreciate all he’s done for the 76ers organization and the City of Philadelphia,” saad ni general manager Elton Brand.
“He did many positive things during his time here, developing young talent and helping position our team for three straight postseason appearances.”
“Unfortunately, we fell well short of our goals this year,’ aniya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!