Mga Cabalen, gulong-gulo na ba kayo gaya ko? Kung kanino maniniwala at kung sino ang paniniwalaan?
Halos malunod na tayo sa kabi-kabilang siraan ng mga matatas na pinuno natin dahil sa mga eskandalo ng pandarambong sa kaban ng bayan. Kasabay ito ng pagkalunod natin sa baha, problema sa ekonomiya at walang katapusang paghihikahos.
Ang lahat ng ito ay masasabi na nating gawa ng mga pulitikong ating hinalalal. Tayo ang palaging nagsasakripisyo,umuunawa at nagtitiis. Habang ang mga linta naliligo sa salapi at nagpapasasasa sa perang iniambag natin upang iangat man lamang ang kalagayan ng sambayanan.
Ang malakanyang pilit na nagbabagong anyo at tinatatwa ang mga ibinibintang ni Zaldy Co sa kanila. Ang dating mambabatas hindi inaaming nagkamal ng salapi mula sa flood control projects. Unti-unti nitong inilalabas ang mga di-umanoy ebidensiya na kanyang hawak mula sa transaksyon sa pagitan ni Pangulong Marcos Jr., Martin Romualdez at Zaldy Co.
Napakagulo na sa Pilipinas, marami pa ang naghihikahos. Walang makain, walang matirhan, walang pagkakitaan at dumanas pa ng malalaking kalamidad.
Dahil sa pulitika mga Cabalen ang mga Pilipino naghihirap. Ginugulo nila ang bansa kung kaya wala tayong pagtitiwala sa kanila.
Huwag sana nating kalimutan ang dagok na ito pagdating ng eleksyon.
