Sasagutin ni boxing icon at Senator Manny Pacquiao ang gugol sa pag-o-operate ng 13 TV channels. Ang mga naturang channels ay gagamitin ng Department of Education (DepEd) ngayong school year para sa distance learning.
“Galing ako sa hirap kaya alam ko ang nararamdaman ng mga mag-aaral at mga magulang nila,’’ ani Pacquiao.
Ayon pa sa ‘Fighting Senator’, ayaw niyang tumigil sa pag-aaral ang mga batang mahihirap. Lalo na sa mga squatter areas. Gayundin mga walang pambili ng laptops at gadgets para sa online-learning.
“Alam ko din na hindi pa 100% coverage ‘yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit me pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa din nakakaseguru na aabot sayo ang mga aralin buhat sa DepEd,” aniya.
“Kung saan ako muntik nang magkulang, maaga kong pupunuan. Dahil napaka-halaga ng pagaaral para sa kinabukasan ng ating mga kabataan,’’ bulalas ng boxing champ.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA