May 19, 2024

AIAI DELAS ALAS, NANINIWALANG BINAGO NA NG PANAHON SI BB GANDANGHARI

MARAMI ang hindi nakagusto sa pasabog ni BB Gandanghari tungkol sa relasyon nila ni Piolo Pascual. Isa na nga rito ay si Ms. AiAi Delas Alas at ayon sa kanya, nananahimik si Piolo Pascual. Dapat hindi na raw niya dinawit si Papa P.

Dahil sa pinadalang mensahe ni AiAi, sinabihan tuloy siya ni BB na isa siyang hypocrite at manahimik na lamang dahil wala raw siyang alam. Kaya ang paniniwala niya ngayon ay, nagbago na nga si BB Gandanghari.

Ang gusto lang naman yata na iparating ni Ms. AiAi ay manahimik na lang si BB at huwag nang mandamay pa dahil si Papa P tahimik na. Pero mukhang dedma si BB sa kanya at walang paki ito kahit na lumabas pa siyang ginagamit niya si Piolo for money.