
Hindi makukumpleto ni Graze Bombita ng Cignal HD Spikers ang remainder games sa Premier Volleyball League Open Conference.
Sa isang official statement kahapon, inihayag ng team na nagkaroon ng anterior cruciate ligament (ACL) injury ang volleybelle sa laro.
Kung kaya, di makasasalang sa puntiryang semis ang nasabing player dahil sa injury. Napuruhan ang kaliwang tuhod nito sa laban nila sa Bali Pure Water Defenders. Dahil dito, humihiling ang team ng panalangin sa agarang paggaling ni Graze.
“#AwesomeNation is praying for her speedy recovery and we can’t to see her back in action soon,” ani ng Cignal .
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo