May 2, 2024

ADAMSON SOARING FALCONS, DINAGIT ANG UE RED WARRIORS

Inilista ng Adamson University Falcons ang first win sa UAAP Season 84 Men’s Basketball Tournament. Dinagit ng Soaring alcons ang UE Red Warriors, 82-66.


Bumida sa panalo ng Adamson si Jerom Lastimosa na nagtala ng 14 points. Kung saan, 11 rito ay naikamada niya sa 1st quarter. Tinambakan ng team ang UE ng 20 points, 32-12.


Mula rito ay di na nagpatinag pa ang Adamson. Nag-ambag naman si Keith Zaldivar ng 11 markers. Habang lumagare ng tig-8 points sina Joem Sabandal at Lenda Douanga.


The good thing about it is that slowly the things we emphasized on, medyo na-co-correct at gumaganda,” ani Adamson head coach Nash Racela.


Again, it’s a process. As long as we take the right steps towards the right direction, we’ll be good,” aniya.


Nanguna naman sa opensa ng Red Warriors si Harvey Pagsanjan na may 17 points. Samantalang 12 naman ang inambag ni Aurin Catacutan. May record sa ngayon sa standing ang Falcons na 1-1. Habang lumagapak sa 0-2 ang Red Warriors.