Bongga ang pasabog ni Julia Barretto sa kanyang ina na si Marjorie — isang brand-new na kotse ang natanggap ni Marjorie mula sa mapagmahal niyang anak!
Sa Instagram post ni Marjorie, nagpasalamat siya kay Julia sa napakagandang regalo at walang sawang pagmamahal na ipinaparamdam nito.
“Today is a happy day. Thank you dearest Julia for this gift and all the love you shower me with 🩷 God bless you more. I love you🩷,” wika niya.
Agad naman nag-react ang mga fans sa social media:
“Napakasarap sa feeling. You deserve it Ms. Marj!!!” sabi ng isang netizen.
“Julia’s such a loving and generous daughter,” dagdag pa ng isa.
Naalala, nitong Mayo ay ipinagdiwang ni Marjorie ang kanyang 51st birthday kasama ang kanyang mga anak sa Boracay — ang matagal na niyang pangarap na makabalik sa isla. Sa isang vlog, ibinahagi niya na kasama na dito ang bagong baby ni Dani na si Riley.
Nagsimula ang birthday ni Marjorie sa isang masarap na breakfast buffet kasama ang pamilya, at nagkaroon pa sila ng surprise dinner by the shore — punong-puno ng pagmamahal at saya.
Hindi pa doon nagtatapos ang bonding moments! Noong Hulyo, nag-London trip si Marjorie kasama si Erich, ang isa pang anak niya. Sa Instagram, ibinahagi niya ang mga masasayang araw nila sa London — panonood ng musicals, pagkain, tawa, at pag-enjoy sa ganda ng lungsod.
Limang araw silang magkasama bago naghiwalay ang landas nila — si Erich papunta sa summer class, si Marjorie naman nagpatuloy sa solo adventure.
Talagang sweet na sweet ang relasyon ni Marjorie at Julia — bongga ang pagmamahal, bongga ang regalong sasakyan!
Sino ba naman ang hindi matutuwa sa ganitong family goals, ‘di ba?
