
Binoga ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies sa isang blow-out win, 142-112 sa Game 3 ng West semifinals. Dahil sa panalo, nakuha ng Warriors ang 2-1 lead sa series. Gumawa ang tatlong stars ng Warriors ng lampas sa 20 points sa nasabing laro.
Humataw si Steph Curry ng 30 points, 6 assists at 2 rebounds. Nag-ambag naman si Jordan Poole ng 27 points, 4 rebounds at 4 assists. Habang si Klay Thompson naman ay gumawa ng 21 points, 9 boards at 4 assists.
Sa panig naman ng Grizzlies, kumana si Ja Morant ng 34 points, 7 assists at 3 boards. Habang si Desmond Bane naman ay lumagare ng 16 points, 3 boards at 2 assists. Hindi na natapos ni Morant ang laro sa 4th quarter dahil ininda nito ang tama sa tuhod.
Sinisisi niya si Poole sa posibleng seryosong injury dahil sa pagkakataga nito aniya sa kanyang tuhod.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT