May 2, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, BINALI ANG SUNGAY NG BULLS

Bumira si Stephen Curry sa pagbali ng Golden State Warriors sa sungay ng Chicago Bulls, 119-93. Nagtala ang binansagang ‘The Che’ ng 40 points. Kasama na rito ang 5 assists at 4 boards.


Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 15 points, 7 boards at 2 assists. habang si Jordan Poole naman ay kumana ng 14 points at 3 steals. Siyam na puntos at 9 boards naman ang inambag ni Draymound Green.


Sa panig naman ng Bulls, kumamada si Zach LaVine ng 23 points at 6 boards. Habang si DeMar DeRozan naman ay nagtala ng 18 points at 5 assists.