May 20, 2024

GM Paragua at ilang PH woodpushers, wagi sa Online Chess Meet

Pumihit ng panalo si Filipino woodpusher Mark Paragua sa FIDE Online Chess Olympiad. Dinaig ni Paragua ang kalabang si International Master Asyl Abdyjapar sa iskor na 6-0.

Ang matindi, 20 moves lang ang ginawa ng New York-based chess master upang daigin ang kalaban.

Bukod kay Paragua, wagi rin ang ilang Pinoy chess wizards. Kabilang dito sina GM Joey Antonio at WIM Catherine Seoopito. Gayundin sina Jerlyn Mae San Diego, Michael Concio at WIM Bernadette Galas.

Wagi si Secopito kay Diana Omurkekova habang pinanis naman ng 32-moves ni Antonio si Andrei Mazntisin. Paksiw naman kay Galas si Aizhan Alymbai Kyzy.

Wagi  naman si Concio kay Aziz Degenbaev at tinalo naman ni San Diego si Shakhnazi Musaeva.