May 18, 2024

GM EUGENE TORRE, AALALAY SA PSC-PARA GAMES ONLINE CHESS TOURNEY

Pangungunahan ni GM Eugenio ‘Eugene’ Torre pati na rin ang 6 pang chess legend ang isang workshop. Ito’y upang maiprepara ang mga national para coach at technical official ng 2021 Philippine Sport Commission-Pilipinas Para Games (PPG) Online Chess Competition na mag-uumpisa sa Nobyembre 19.


Idaraos ang minsanan lamang na Para-Chess Online Technical Workshop. Kung saan ay magiging speaker si Torre. Kasama na rin dito sina GMs Jayson Gonzales at Thomas Luther. Gayundin sina IA/IO Casto Abundo, at IA/NM James Infiesto.