May 5, 2024

GILAS PILIPINAS WOMEN’S TEAM, TINADTAD ANG THAILAND

Dinispatsa ng Gilas Pilipinas women’s team ang Thailand, 97-81 sa 31st SEA Games. Ang Thailand ang powerhouse rival ng Pinas pagdating sa basketball sa nasabing region.

Nanguna sa opensa ng Gilas si Afril Bernardino na bumira ng 20 points at 16 boards. Nagdagdag naman si Stefanie Bernabe at Trina Guytingco ng tig-10 points. Ang tatlo rin ang nanguna sa mental toughness ng team.

Noong una, nakalamang ang Thais sa kaagahan ng second quarter, 27-25. Ngunit, nakaalpas ang Gilas at lumamang ng 12 points, 39-27. Namaga pa ito at napaabot sa 25 point lead. Subalit, natapyasan ng Thailand dahil sa pagnanais na makahabol.