May 4, 2024

GILAS PILIPINAS WOMEN’S TEAM, GINAROTE ANG SINGAPORE

Ginarote ng Gilas Pilipinas women’s team ang Singapore, 88-61 sa basketball event ng SEA Games. Kaya naman, naaamoy na rin ng koponan ang pakarit sa gold medal sa torneo.

Bumira sa Gilas si Clare Castro na nagtala ng 15 points. Habang si Janine Pontejos ay naglista ng 12 points. Nagdagdag naman si Khate Castillo ng 14 points. Maaaring makatapat ng Pilipinas ang Malaysia para sa gold medal match.

Subalit, otomatikong makukuha ang title kung matatalo ng Vietnam ang Malaysia sa laro ngayong araw. Inamin naman ni coach Pat Aquino na ang panalo sa Singapore ay di gaanong impresibong performance ng team.

 “We played lackluster today. Siguro pagod na rin. For the past how many games, todo ‘yung mga bata. We try to adjust and take ’yung mga kailangan naming pagbutihan against Malaysia,” aniya.

The scores:

Philippines 88 – Castro 15, Pontejos 14, Castillo 14, Surada 11, Bade 8, Bernardino 7, Claro 6, Berberabe 5, Fajardo 3, Tongco 3, Cabinbin 2, Guytingco 0.

Singapore 61 – Jacqueline 16, Zhi 13, Chu 8, Jia 5, Siew 4, Kai 3, Meiqi 3, Wan 3, Rui 2, Sara 2, Bernice 2, Cheryl 0.