
Napanatili ng Gilas Pilipinas ang walang batik na record sa 31st SEA Games basketball tourney. Dinispatsa ng national squad ang Malaysia sa isang blow-out win, 87-44. Naiposte rin ng bataan ni coach Chot Reyes ang perfect 5-0 record.
Dahil dito, naamoy na ng Gilas ang pagkamig sa 14th straight gold medal. Pang-19 sa kabuuan sa nasabing biennial meet.
Rumatsada sa team si Thirdy Ravena na bumuslo ng 17 points. Kasama na rito ang 7 boards at 5 assists. Nag-init ang Gilas sa bandang katapusan ng third quarter. Kung saan, bitbit nito abg 76-36 huge lead sa laban.
Kapwa naman nag-ambag ng tig-19 points sina Roger Pogoy at Francis ‘LeBron’ Lopez.
The scores:
Philippines (87) – Ravena T. 17, Lopez 9, Pogoy 9, Go 8, Montalbo 6, Ravena K. 6, Wright 6, Tungcab 6, Tautua’a 6, Rosario 5, Fajardo 5, Navarro 4.
Malaysia (44) – Lee 8, Wee 8, Kuek 8, Wong 6, Tem 5, Liew WY 4, Chang 3, Lew WQ 2, Ong 0, Kwaan 0.
Quarterscores: 19-10, 39-22. 68-33, 87-44.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT