Pinaralisa ng Gilas Pilipinas ang Cambodia sa isang massacre win, 100-32 sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam. Naging komportable para sa national team ang laro matapos ang crucial match sa Thais. Pinalasaap nila ang bangis sa Cambodian squad bitbit ang 68 point lead.
Sa umpisa pa lang ng laro, rumatsada ang Gilas sa 52-11 surge. Tangan ng national basketball team ang 40 point lead, 57-17 sa 1st half. Nanguna sa opensa ng Gilas si LeBron Lopez na may 17 points. Kung saan, 11 rito ay galing sa first half.
Patuloy pa ang pagpapadama ng bangis ng team lalo na sa depensa. Katunayan, 6 points lang ang nagawa ng Cambodia sa 3rd quarter. Susunod nilang makakaharap ang Singapore bukas sa Thanh District Sporting Hall. Sa ngayon ay may 2-0 record na ang national team.
Target ng Pinas ang 14th straight men’s basketball gold at panatilihin ang pagiging halimaw sa basketball sa Southeast Asian region.
More Stories
BACK -TO-BACĶ ÙAAP MEN’S BASEBALL TITLE PUNTIRYA NG NU BULLDOGS
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na