May 18, 2024

ERIC CRAY, SUMIKWAT NG GOLD MEDAL SA 400-METER HURDLES

Bumida si Eric Cray sa 400-meter hurdles dahilan upang makuha nito ang gold medal sa 31st SEA Games. Natigpas niya ang ginto sa bilis na 50.41 seconds. Panlimang beses na niya itong nagawa sa 400 hurdles.

Ito na ang ika-7 career gold medal niya sa biennial meet. Gayunman, hindi pa nakokontento rito si Cray.

Puntirya pa nito na pagharian ang isa pang hurdles event. Ang SEA Games ang magiging praktisan niya bago subukan muling sumabak sa Olympics.

 “We’re looking towards [the] Paris [Olympics in 2024].” ani ng misis at coach nito na si Samantha.