May 6, 2024

GILAS PILIPINAS, DI NA PAPAYAGANG MAKAISA PA NG SOUTH KOREA

Kung nagawa ng Gilas Pilipinas ang isang miracle win noong Miyerkules, hindi na raw ito mauulit.Nagwagi ang Gilas sa South Korea sa una nilang match-up sa Clark bubble sa iskor na 81-78.

Kaya naman, wala pa silang talo sa 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. Sinabi ng Korean coach Cho Sanghyun na lucky shot ang nagawa ni SJ Belangel.

Pero, sa kanilang pagtutuos mamaya, hindi na sila papayag na masilat pa. Gayunman, inamin din ng coach na may iniinda si Ricardo Ratcliffe.

May minor injury ito kaya di gaanong 100 percent ang laro.

With the game being played tonight, Ra has a little bit of injury,” ani Sanghyun na dati ring player. Pero, hindi naman daw malala.

Kagagaling lang sa panalo ng Korea nang ilampaso ang Thailand, 120-53. Mayroon lamang 5 points si Ratcliffe at 4 rebounds.

Sasalang ngayong araw ang rematch ng Gilas at SOuth Korea sa ganap na alas tres ng hapon sa final ng game ng Clark window.