
Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang pagsuwag ng Milwaukee Bucks sa Orlando Magic, 136-118. Gumawa ang ‘The Greek Freak’ ng 33 points, 12 boards at 5 assists. Gayundin ang 2 steals at 2 blocks.
Nag-ambag naman si Jrue Holiday ng 25 points at 7 assists. Habang si Khris Middleton naman ay bumuslo ng 22 points.
Nagtuwang naman sina Bradley Beal at Kyle Kuzma sa paglikida ng Washington Wizards sa Cleveland Cavaliers, 110-93. Gumawa si Beal ng 29 points, 10 assists at 6 boards.
Habang si Kuzma naman ay kumana ng 25 points, 10 rebounds at 2 assists. Bumira naman si Kevin Love ng 24 points, 11 boards para sa Cavaliers. Hindi naman natuloy ang laro ng Denver Nuggets at Golden State Warriors.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT