May 18, 2024

GAPAN CITY MAY REGALO NA SA BIRTHDAY NG MGA SENIORS


INANUNSIYO ni  Mayor Emeng Pascual na sinimulan na kaninang umaga ang pamamahagi nila ng regalo para sa lahat ng senior citizen ng Gapan City sa Nueva Ecija na nag-birthday nitong Enero, Pebrero at Marso ng kasalukuyang taon.

Binigyang diin ni Pascual na ang munting regalo ay upang maipadama ang pagpapahalaga at pagmamahal para sa mga senior citizen. “Magpahaba po kayo ng buhay at alagaan ang inyong kalusugan.. mahal na mahal ko po kayo,” sa alkalde.

Ang regalo sa mga nakatatanda ng Gapan City ay isang cake at cash gift kasama na ang birthday card.

Sinabi rin ni Pascual na hindi na kailangan pang pumunta sa mga barangay hall dahil mismong ihahatid ang mga naturang regalo sa kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng COVID-19.