Nagpasya ang PBA team Blackwater Elite na ibenta ang prangkisa ng kanilang team sa halagang P150 milyon.
Ito ay pagkatapos magpasya ang may-ari na si Dioceldo Sy mula nang patawan sila ng multa ng Games and Amusement Board (GAB) at Philippine Basketball Association (PBA) dahil sa paglabag sa health protocols.
Ayon kay Sy, nagdamdam sila sa nangyaring insidente kung kaya nagdesisyon sila na ibenta ang franchise.
Pinatawan ng P100,000 multa ang Elite nang magtraining sila na hindi sumusunod sa panuntunan ng kinauukulan tungkol sa safety protocols.
Gayunman, hindi magiging madali sa Blackwater na ibenta ang franchise nito.
Dahil kailangan ng transaksyon ng two-thirds ng boto mula sa board.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2