May 3, 2024

FORMER TENNIS STAR PENG SHUAI, MINOLESTIYA NG EX-VICE PREMIER NG CHINA

Ibinulalas ni former world No.1 tennis doubles player Peng Shuai ang isang lihim na matagal na niyang kinikimkim. Ayon sa isa biggest sporting stars ng China, pinuwersa siya ng dating Chinese Vice Premier na makipagtalik. Bagama’t matagal na itong nangyari, inihayag niya ito sa social media.


Kalauna’y tinanggal din ang post ng Chinese tennis star. Pero, may naka-save na screenshot ng post.


Inalis ito matapos ang isa’t-kalahating oras matapos na-ipost. Ito ay dahil sa mahigpit ang China sa sensitive post. Lalo na kung patungkol sa private lives ng mga tops leaders ng bansa.
Dito nalaman na minolestiya siya ni Zhang Gaoli.

Si Gaoli ay naging meber ng Politburo Standing Committee (PSC). Ang PSC ang top decision-making body ng China.Mula rito, nagkaroon sila ng on-off consensual relationship.