March 29, 2024

Former NBA player Iman Shumpert, inaresto sa cannabis possession

Inaresto si dating NBA player Iman Shumpert sa Dallas Fort Worth International Airport. Nangyari ito dahil sa tangkang paglusot sa dala niyang 6 ounces ng cannabis sa security. Ayon sa police report mula sa DFW Airport Department of Public Safety, nakakita sila ng sizeable amount ng marijuana.

Nakita nila ito nang ikasa ang TSA checkpoint bandang 3:40 P.M. last weekend. Anila, sinabihan ni Shumpert ang mga officers na gayun nga ang laman ng bag niya. Nagsabi pa siya kung saan pwedeng mag flight patungo sa Los Angeles. Kung saan, susunduin niya ang kanyang mga anak at ang entertainer na si Teyana Taylor.

Subalit, tinabla siya ng mga officers at inaresto dahil sa felony possession of marijuana. Dinala si Shumpert airport jail. Bukod dito, napaulat na may dala rin siyang magazine with 14 rounds sa kanyang backpack.

Pero, walang baril na nakita.Huling naglaro nun si Shumpert sa Brooklyn Nets bago na-waived noong 2021. Mayroon siyang championship ring noong 2016 sa Cleveland Cavaliers.