![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2021/06/A-Eden-1024x576.jpg)
Natimbog ng kapulisan ang boksingerong si Eden Sonsona sa isinagawang drug-bust operation ng operatiba. Inaresto si Sonsona, ex-two-time Philippine champion sa Brgy. Apopong sa General Santos City.
Ayon kay Police Station 2 commander PMajor Patrick Elma, minamanmanan nila sa nakalipas na buwan si Sonsona. Dahil sa surveillance, nakumpirma nila na nagbebenta ng shabu ang boxer. Bukod dito, gumagamit din ito ng droga.
Sasampahan ang kinauukulan ang 32-anyos na si Sonsona sangayon sa itinakdang batas na nilabag nito.
Si Sonsona ay naging WBC international silver super featherweight champ din ito noong 2015. Naging WBF international super featherweight champ din siya noong 2017.
More Stories
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA
Reyes ‘di sinanto ang mga kalaban sa 2025 Santa Maria Town Fiesta Chess Challenge
STRONG GROUP ATHLETICS HINDI LALARO SA BRONZE MATCH DAHIL SA NANGYARING LUTUAN?