May 8, 2024

ATLANTA HAWKS, REKTA SA ECF MATAPOS SILATIN ANG 76ERS, 103-96

Sinilat ng Atlanta Hawks ang Philadelphia 76ers sa intense Game 7, 103-96 ng East semifinals. Tinapos ng Hawks ang series sa 4-3 at abanse na sila sa Eastern Conference Finals.

Masayang nagdiwang ang Hawks sa gitna ng natigilang crowd sa Well Fargo Arena. HIndi sila makapaniwala sa nangyari.

Naging intense ang laban dahil ayaw mag-iwanan ng bawat teams. Kung kaya naging dikit ang laban. Ngunit, rumatsada na ang Hawks sa lead changes at ties.

Iniwan na nito ang 76ers matapos ang 86-all, may 4 minutes na lang ang natura sa regulation.

Nanguna sa panalo ng Hawks ang unfamiliar player na si Kevin Huenter. Gumawa si Hunter ng 27 points, 7 boards at 3 assists.

Nag-ambag naman si Trae Young ng 21 ponts, 10 assists at 3 boards. Habang si Danilo Gallinari naman ay bumira ng 17 points, 5 boards at 2 assists.

Sa panig naman ng 76ers, kumana si Joel Embiid ng 31 points at 11 boards. Habang si Tobias Harris naman ay bumuslo ng 24 points, 14 boards at 4 assists.

Si Seth Curry naman ay naglista ng 16 points at 2 boards.