May 17, 2024

FOOTBALL PLAYER, INALIS SA TEAM DAHIL SA SEXUAL HARASSMENT

Si Egyptian midfielder Amr Warda ay sikat sa kanilang bansa sa larangan ng football. Kaya naman, hindi nakapagtatakang kabilang siya sa national footballl team ng Egypt. Kaso, pinatalsik si Warda sa team dahil sa nagawa niyang kalokohan noong June 2019. Papaano ba naman kasi, inakusahan ang midfielder ng sexual harassment.


Kaya nagpasya ang Egyptian Football Association na alisin si Warda sa paglahok ng team sa ilang matches noon sa Africa Cup of Nations. Sa gayun ay hindi madamay ang buong koponan sa kahihiyang ginawa ni Warda. Ayon sa ulat ng New Arab, nagpadala ng agresibo at malalaswang mensahe si Warda kay British- Egyptian Instagram model Merhan Keller.


Na nagpapahaging ng mensahe tungkol sa sex o nais niyang makaniig ang mga babae. Nagshared kasi ng screenshots si Keller mula sa Whatsapp nito, kaya nabisto ang kamanyakan ng midfielder.


Ayon sa mga nakabasa ng screenshots ni Keller, na kung saan mabababasa ang palitan nila ng mensahe ni Warda, sinabi ng mga netizens na ginagamit ng midfielder ang kanyang pagiging matinik sa football sa mga tsiks. Pero, sa maling pamamaraan.

Bukod kay Keller, may isa pang babae ang ginawan ng kagaya sa nauna. Ang pangalan nito sa social media ay ‘ Aquarius’. Binlocked ni Warda ang isa dahil hindi na ito sumasagot sa tawag niya. Kaugnay sa nangyari, humingin ng public apology si Warda sa pamamagitan ng pinost niyang video sa kanyang Twitter account.


Kalaunan, dineactivated niya ang kanyang Instagram account. Lalo kasing naungkat ang is apang kalokohan nito noong 2017 kung saan ay nasangkot din siya sa sexual harassment scandal. Inalis siya sa Greek Team na PAOK dahil sa hinarassed niya ang mga asawa ng kanyang teammates. Pero, itinanggi ni Warda ang akusasyon.