May 1, 2024

FLOYD MAYWEATHER, BALAK DING BUMILI NG NBA TEAM

Inihayag ni Floyd Mayweather Jr na balak niyang bumili ng NBA team. Aniya, nakikipag-negosasyon sa ilang indibidwal sa nakalipas na 6 na buwan.   

Me and my team have been working behind the scenes with the NBA. I can’t say exactly where, but I’m working on getting a team,” saad nito.

That’s something I’ve been working on behind the scenes. But I’ve never came out and publicly talked about that with the media,” dagdag nito.

Inihayag ni Floyd ang mga katagang ito sa M Resort Spa Casino matapos inanunsiyo ang exhibition bout nito sa Japan. Kung saan, haharap si ‘The Money’ sa Japanese MMA fighter Mikuru Asakura.

Isa lamang si Mayweather sa mga big time sa sports na nais magkaroon ng NBA team. Nauna nang nagpahayag si LeBron James ng LA Lakers kaugnay dito.