Pinagmulta ng NBA si Kevin Durant ng Brooklyn Nets ng $25,000. Ito’y matapos lumabas ang video ng verbal exhange sa pagitan niya at ng isang fan . Kung saan, sinupla ni Durant ng fan sa laban ng Nets at ng Dallas Mavericks.
Ang video ay nakapost sa Twitter at naireport. Inaasar ng isang fan si Durant. Dala ng kanyang pagkainis, nagtungayaw siya rito.
Nakarating ito sa NBA. Kaya, pinagmulta siya dahil sa ‘directing obscene language towards a fan’. Na sinabihan ni Durant ng ‘Shut the f— up.”
Hindi naman mabubutas ang bulsa ng cager dahil sa multa. Ang kanyang net worth ay nasa $170-million. Katunayan, may ilang agressive encounters na rin siya sa mga fans sa nakalipas na mga taon.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2