MUKHANG tanging si Faith da Silva, lang ang may tunay na pagmamahal sa kanyang amang si Dennis da Silva. Dahil siya lamang ang tanging anak na nakakamis sa kanyang amang nakakulong ngayon.
“I remember noong bata pa ako, gumawa talaga ako ng kunyaring ama ko. Pagnapagalitan ako ng Mama ko o kaya may nakaaway ako, doon ako nagsumbong.
“Bata pa noong nakulong ang Papa ko, kaya miss ko talaga siyang makasama. Kaya pinuntahan ko si Papa, at kahit saglit lang na nakasama ko siya ang saya-saya ko talaga.
“Iyong ngang mensahe niya para sa amin na “Mag-ingat kayo, mga anak. Mahal na mahal kayo ni Papa.” Naging emosyonal talaga ako. Kaya umaasa ako na darating iyong time na lalaya rin ang Papa ko, at magkakasama na rin kami,” pagwawakas pa ni Faith Da Silva.
More Stories
BILANG NG SCAM COMPLAINTS NAGING TRIPLE NOONG 2024 – CICC
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY