May 19, 2024

CLAUDINE BARRETTO, ‘DI FEEL MAKASAMA SI ANGELU DE LEON

NAGTATAKA raw si Claudine Barretto kung bakit siya tinitira ni Angelu de Leon, sa mga isyu ng mga Barretto gayung hindi naman siya kasama sa mga isyu.

Kaya nang tanungin si Claudine Barretto kung gusto niyang makasama sa pelikula o drama series si Angelu, mariing sinagot niya na hindi n’ya ito gustong makasama sa anumang mga projects na meron siya.

“Sawsawera Kasi ang babaeng iyan, si Angelu de Leon. Makatira kay Claudine, akalamo kasama siya sa isyu gayung nakikisawsaw lang naman siya.

“Nagsasabi lang daw ng totoo si Claudine, hindi raw siya suplada pero maldita raw talaga si Claudine… Kahit sino pwede niyang makasama huwag lang si Angelu de Leon, basta ayaw daw niyang makasama ang actress.

“Ang punto kasi ni Claudine, sa away ng mga Barretto. Hindi siya kasali sa away nila, pero nakikisawsaw daw siyang talaga. Makabira daw siyang talaga ay wagas, grabe! Kaya ayaw daw niyang makatrabaho si Angelu,”  saad pa ng aking source.