May 11, 2024

TOM RODRIGUEZ, HAHABULIN ANG MGA KAIBIGAN AT MGA TAONG NANGGOYO SA KANYA TUNGKOL SA PERA

NANDITO nasa Pilipinas si Tom Rodriguez, ang pakay niya sa kanyang pagbabalik ay upang magtrabaho at habulin iyong mga nanloko sa kanya. Ang masaklap nito ay sangkot ang ilan niyang mga kaibigan at mga taong kanyang naka-deal nito sa pera, at nabiktima nga siya.

“May mga papers munang dapat na ayusin na dapat ilagay sa legal na proseso, kaya nga bago ko ilaban sa korte ay magtatrabaho muna ako.

“Magpokus muna ako sa aking Showbiz career na matagal ko ring iniwan, trabaho muna ako. Kung magkakasama kami ni Carla Abellana, sa isang project ay imposible pa iyon.

“Basta ako ngayon pokus muna sa trabaho, at dapat ko ring paglaanan ng oras iyong pagbawi sa pera ng mga taong nanggoyo sa akin,” pahayag pa ng guwapong aktor.