May 18, 2024

EX-WWE STAR MARTY JANNETTY, NAGDURUSA SA HEALTH ISSUES

Natatandaan nyo pa ba si Marty Jannetty ng wrestling o dating WWF/ WWE star? Isa siya sa popular na tag team wrestlers noong dekada 80 at 90. Siya ang isa sa ” The Rockers’ duo kasama si Shawn Michaels.


Ipinagtataka ng wrestling fans ang hindi nito pagiging active sa social media. Lalo na sa Facebook, kung saan di na siya nagpaparamdam. Huli siyang nagpost sa FB noong Enero 2, 2022. Kaya, tinatanong siya ng fans at mga kaibigan kung okay lang ba siya?


Ayon sa malapit na kaibigan nitong si Mike Watford, nagdaranas si Marty ng health problems. Nagpapagaling aniya ito sa Columbous, Georgia. Dina-diagnose ito ng mga doctor sa ilang nakitaang sintomas.

Ayon pa kay Watford, ayaw pang magtungo nito sa ospital. Ito’y sa kabila na iniinda ni Jannetty ang swollen feet. Gayundin ang pananakit ng likod at balikat. Hangad naman ng fans na gumaing agad ang dating wrestler sa dinaranas nitong health issues.