May 17, 2024

EX-US NAVY PATAY SA SAKSAK NG 2 MENOR DE EDAD (Inuupahang bahay nilooban)

TACLOBAN CITY – Huli ang dalawang menor de edad na umano’y nanloob at pumatay sa isang retiradong US navy sa kanyang inuupahang bahay nitong Martes.

Natukoy ni PMaj. Winrich Lim, hepe ng Tacloban City Police Station 2, ang mga suspek na isang 16 at 17-anyos na umano’y nanloob sa inuupahang bahay biktima na nakilalang si Thomas Mate, 62, residente ng Zamora Street, Barangay 7.

Sa inisiyal na imbestigasyon, lumalabas na naramdaman ng biktima na may nanloloob sa kanilang establishmento. Nang tila makatunog naman ang mga suspek ay bigla na lamang pinagsasaksak ng mga ito ang biktima.

Nagtamo ng maraming sugat ang dating Amerikanong sundalo na agad pang itinakbo sa pagamutan ngunit binawian din kinalaunan.