May 8, 2024

Ex-Sultan Kudarat Governor bagong TESDA Director General

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Sultan Kudarat Governor Suharto Mangudadatu para pamunuan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ayon sa Presidential Communications Office.

Papalitan ng ex-governor si Danilo Cruz bilang director general ng ahensiya.

Unang naglinkod si Mangudadatu bilang local chief executive ng Sultan Kudarat mula Hulyo 2007 hanggang 2016. Nanalo siya ng isa pang termino noong Hulyo 2019 hanggang Hunyo 2022.

Naging congressman din siya ng lalawigan simula 2004 hanggang 2007 at naulit muli noong 2016 hanggang 2019.

Naging alkalde rin siya ng Lutayan mula 1998 hanggang 2004.