April 28, 2024

Ex-MMA star Gina Carano, hinamon ni WWE Raw women’s champion Sasha Banks

Pinahayag ni WWE Raw women’s champion Sasha Banks na gusto niyang makaharap si former MMA star Gina Carano.

Nag-ugat ang hamon nang mag-Tweet si Carano na nag-iilusyon ito sa pagdalo sa kanyang first WWE event.

Nagtweet din ang 36-anyos na cage fighter turned actress ng GIF na nagpapakita na sinusuntok ni Shayne Baszler si Banks sa mukha sa backstage.

May match sana ang dalawa sa RAW. Ngunit nauwi sa mo-contest nang atakehin ni Asuka si Bailey.

Si Baszler, 39, ay dati ring MMA fighter na sumampa sa WWE. Sa kabila nang sinabi ni Carano na kapwa paborito niya sina Banks at Baszler, mas matikas aniya ang huli.

“And just like that, I wanna whoop your ass too,” patamang tweet ni Banks kay Carano.

“You wouldn’t last in my universe but you’re welcome to try.”

Samantala, palaisipan naman sa mga fans kung bakit gigil si Banks kay Carano.

“I’m confused it seem like a compliment,” wika ng isang fan.

“Why Banks “attacked” Carano on social media,” ani ng isa.