May 21, 2024

EX-COACH BO PERASOL, NAIS NG UP NA MAGING PARTE NG MANAGEMENT NG TEAM

Umaasa ang UP Maroons kay-ex head coach Bo Perasol na magiging parte pa rin ng management ng team. Ito’y matapos ang nakagugulat na pag-resigned ni Perasol bilang mentor ng UAAP team.

Katunayan, inalok si Perasol ni team manager Atty. Agaton Uvero at ng College of Human Kinetics Kiko Diaz. Makatutulong aniya ang 49-anyos na mentor sa MBT’s transition sa bagong head coach ng UP.

We have asked Coach Bo to remain with the team management to guide the transition and ensure the sustainability of the program,” ani Uvero.

We earnestly hope he will remain with team management to ensure the continuity of the program,” dagdag naman ni Diaz.

Naging head coach ng UP si Perasol noong UAAP Season 79. Ito’y matapos ang kanyang stint bilang mentor sa Ateneo sa loob ng tatlong taon. Mula rito, napatid ang 32-year drought ng UP sa Men’s Basketball nang makapalaot sa Finals kontra Ateneo.