ITINALAGA ng Malacañang si Ramon “Mon” Ilagan, dating mayor ng Cainta at opisyal ng Department of Transportation, bilang Undersecretary for Operations ng Presidential Communications Office (PCO).
Kinumpirma ni Acting Communications Secretary Dave Gomez ang appointment nitong Lunes, at pinawi ang mga spekulasyon na papalitan ni Ilagan si kasalukuyang PCO Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Ayon kay Gomez, walang nagaganap na “shake-up” sa pangunahing communication arm ng Palasyo.
Matatandaan na nagsilbi si Ilagan bilang assistant secretary at tagapagsalita ng Department of Transportation (DOTr).
Bago naman pumasok sa serbisyo publiko, si Ilagan ay isang batikang reporter ng ABS-CBN, at dating alkalde ng Cainta, Rizal mula 2004 hanggang 2013.
Naging spokesperson rin siya ni dating Bise Presidente Jejomar Binay noong 2016 presidential campaign. (ARNOLD PAJARON JR)
