May 4, 2024

EX- AMERICAN FOOTBALL PLAYER PHILIP ADAMS, PUMATAY NG 5 KATAO BAGO NAGPATIWAKAL

Pumatay ng limang katao si former NFL American football player Philip Adams. Nagpakamatay din siya pagkatapos gawin ang krimen ayon sa ulat ng South Carolina police.

Kabilang sa kanyang mga naging biktima ay isang doctor at ang asawa.  Sa pahayag ng otoridad sa press conference, pinagbabaril ng former San Francisco 49ers cornerback ang limang biktima sa Rock Hill City.

Pagkatapos nito ay bumalik siya sa bahay ng kanyang mga magulang. Doon ay nagpatiwakal siya pagkatapos umiskerda sa mga pulis.

 “There’s nothing right now that makes sense to any of us,” saad  ni York County sheriff Kevin Tolson.

Karagdagan pa, hindi alam ng otoridad kung ano ang motibo ni Adams sa pamamaril. Kung saan, biktima nito ang isang 70-anyos na doctor.

Gayundin ang 69-anyos na misis nito at dalawang apo na may edad 5 at 9. Kasama rin sa nasawi ang 38-anyos na boiler technician habang gumagawa sa labas ng bahay nito

Nakilala ang doctor na si Robert Leslie na ayon sa sheriff ay haligi ng kanilang komunidad. Nagtatag ito ng health care center sa Rock Hill.

 “The losses we are suffering cannot be uttered at this time,” pahayag ng pamilyang Lesslie.