LOS ANGELES – Impresibo’t naging matikas ang unang salang ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial.
Sa kanyang pro debut sa U.S., dinaig ni Marcial si American boxer Andrew Whitfield. Wagi ang Pinoy boxer via unanimous decision sa 4-round middleweight clash.
Idinaos ang laban sa Shrine Expo Center sa Los Angeles. Pumabor kay Marcial ang thee judges sa score cards, 40-36. Sila ay sina Don DeVerges, Ron Scott Stevens at Damian Walton.
Kaya naman, maagang regalo ang pagkapanalo nito sa ika-42 kaarawan ni Sen. Manny Pacquiao. Si marcial ay nasa ilalim na ng kampo ng MP Promotions.
More Stories
National Open C’ship sa Kalibo… RAVEN SIKARAN TANAY READY NA SA BAKBAKAN SA AKLAN!
PH WNM Arvie Lozano kampeon sa Laos FIDE Standard Chess tilt
TNT binanderahan ni Almond Vosotros sa 94-70 panalo vs NorthPort