May 16, 2024

Clarkson kay Kai Sotto; “Stay in the gym and to keep continuing to work,”

Hinihimok ni Utah Jazz guard Jordan Clarkson si Kai Sotto na magtraho ng puspusan. Sa gayun ay makamit nito ang ultimate goal na makapaglaro sa NBA.

Nais ni Clarkson na makitang naglalaro balang araw sa NBA ang Atenao Blue Eaglet.

Ayon kay Clarkson sa Zoom media, isang magandang opportunity kay Sotto na masalang sa NBA G- League Select Team.

Aniya, magiging daan ito para ma-improved ang skills ng 7’2 cager. Gayundin ang matutunan nito ang tungkol tricks of the trade.

 “The best advice I got for him is to stay in the gym and to keep continuing to work,”ani Clarkson.

When you’re around NBA pros, guys and coaches with experiences, it’s great for him especially at a young age.”

Kamakailan ay naglaro si Sotto sa Ignite sa scrimmages laban sa G-League veterans. Nagtala siya ng 5 points, 5 boards at 5 blocks sa unang laro. Kung saan natalo ang Ignite, 107-113 sa veterans.

Ngunit, nakabawi ang Ignite sa iskor na 125-99 sa second scrimmage. Nagbuslo si Sotto ng 6 points, 6 rebounds at block.