May 20, 2024

CHOIR BAWAL SA SIMBANG GABI


TULAD ng pagbabawal sa video o pagkanta sa pampublikong lugar, hindi rin nakalusot  ang mga choir sa simbahan sa pinapatupad na singing ban  upang maiwasan kumalat ang COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sakop ng pina-iiral na protocol  ang pagkanta ng mga choir ng simbahan at iba pang dalanginan.

“Kapag nagbigay tayo ng ganitong protocol, hindi ito nililimitahan sa karaoke kasi marami pang pagkakataon na tayo ay kumanta sa public places. Mayroon pong ebidensiya na kapag tayo ay kumakanta, mas maraming viral particles ang nailalabas sa ating katawan kung tayo ay maysakit,” saad ni Vergeire.


“Choir members are not exempted. We will be coordinating with the Catholic church para ma-enforce ang minimum public health standards ngayong mas madalas magsimba ang mga tao dahil sa Simbang gabi,” aniya pa.

Pinatutungkulan ni Vergeire ang siyam na magkakasunod na araw na mayroong Simbang Gabi ang mga Katoliko bilang paghahanda sa Araw ng Pasko.