May 13, 2024

EUMIR FELIX MARCIAL, SUPORTADO NG CHOOKS-TO-GO

Nakatagpo ng bagong supporter si Pinoy boxer Eumir Felix Marcial sa kanyang kampanya sa olympics.

Nangako ng tulong pinansiyal ang Chooks-to-Go sa olympic campaign ni Marcial.

Ayon kay Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas, tiniyak niya ang tulong sa middleweight boxer. Batid din nito ang pinagdaraanan ng mga atleta mula sa Mindanao.

“As a Mindanoan myself, I feel the struggles of our athletes in that region. We at Chooks-to-Go cannot turn a blind eye on them when they ask for help,” saad Mascariñas, native ng Butuan.

“Eumir is a world-class athlete, and we believe that he has what it takes to end the country’s gold medal drought in the Olympics.”

Masaya naman si Marcial sa ginawang ito ng Chooks-to-Go. Lalo siyang na-inspired sa pangako nitong tulong sa kanya.

Nag-qualified ang 25-anyos na si Marcial sa Summer Games noong Marso 2020. Ito’y matapos makalusot sa middleweight division ng 2020 Asia and Oceania Olympic Boxing Qualifiers.

Kalaunan, naging pro boxer siya at nagsanay sa United States para sa preparasyon sa quadrennial tourney.